Archive for January, 2006

high risk day

Saturday, January 14th, 2006

ayoko na magreklamo. pagod na ako. nagiging robot na lang ako. tama ba yon? ewan. basta sunod na lang ako ng sunod. gawa na lang ng gawa. yes, ma’m na lang ang laging lumalabas sa bibig ko. kapag pinapagalitan or tinotoxic ka pasok sa isang tenga labas sa kabila. nagkakaroon na ng permanenteng tunnel sa pagitan ng dalawang tenga ko. konti na lang siguro bato na talaga ako. pagkain na nga lang ang reward mo, di mo pa magawang mag-enjoy. kakaupo mo pa lang sa kitchen para kumain, naririnig mo nang tinatawag ka. di mo na nga alam kung paano hahatiin ang sarili mo, mapapagalitan ka pa na parang di mo ginagawa ang trabaho mo. hay! eto na ang buhay na pinasok ko. wala na akong magagawa. sorry guys, i just came from a 48-hour duty, on my birthday.